Sunday, March 15, 2009

Isang Usapan

Badong: Walang perpektong relasyon, katulad din ng walang perpektong pamilya at walang perpektong sarili. Kung ang sarili ay hindi perpekto, ang mga relasyon pa kaya na ang gumagawa at bumubuo lamang ay ang mga ‘sarili’? Kaya nga siguro nabuo ang konsepto ng pakikipagkasundo, upang magkaroon nang pagpunan sa mga kakulangan ng sarili.

Corazon: Laging sinasabi ng tao na dapat mong mahalin ang iyong sarili ng higit sa lahat, dahil hindi ka makakapagbigay ng pagmamahal sa iba kung ikaw mismo ay salat dito. Katangahan na raw ang tawag sa pagmamahal na iyon, kapag minahal mo ang iba ng higit sa sarili mo. Pero, paano nga ba sinusukat ang pagmamahal? At paano masusukat ng tao ang pagmamahal ng iba? Hindi ba matatawag na pagmamahal sa sarili ang pagpili sa mga bagay na makakapagpaligaya sa iyo?

Badong: Hindi nga ba gamitan lang ang pagmamahal? Hindi ba natin ginagamit ang mga tao sa paligid natin para lamang sa ating sariling kapakanan? Hindi ba ang lahat ng ating kinikilos ay para sa ating sariling kaligayahan?

Corazon: Hindi ko kailangang patunayan sa buong mundo ang pagmamahal niya para sa akin, hindi naman ako ang buong mundo at hindi naman ang buong mundo ng tatanggap sa pag-ibig niya kung hindi ako. Ako lamang, wala ng iba. Naisip ko, kahit ilang beses niyang ipagsigawan sa lahat ang pagmamahal niya sa akin, kahit ilang ulit niyang ipilit sa iba na ako ang iniibig nya, at kahit mapaniwala niya ang lahat na totoo ang hangarin niya para sa akin ay mawawalan din ito ng silbi kung ako mismo ay hindi naniniwala dito.

Badong: Maraming bagay ang hindi namin napagkakasunduan, maraming beses na rin kaming nagkasakitan, pero sa tuwing babalikan ko ang aming mga pinagdaanan, wala akong maramdaman kung hindi kaligayan.

Corazon: Tinanggap ko siya, dahil napatunayan niya sa akin ang pagmamahal niya. Tinanggap ko siya, kasabay ng pagtanggap ko sa buong pagkatao niya.
Badong at Corazon: Maligaya ako ng dahil sa pagmamahal.

Badong: Minamahal ko siya kasi maligaya ako sa kanya, minamahal ko siya dahil mahal niya rin ako, at maligaya kami sa piling ng isa’t isa. Hindi ko siya binibitawan dahil mahal ko siya, at hindi ko siya kailan man bibitiwan hanggat nararamdaman kong mahal niya ako.

Corazon: At dahil dun, masasabi kong nagmamahal ako.

Badong: At dahil dun maligaya ako.



*WAKAS*

Wednesday, March 4, 2009

Maskara



Tahimik lang ako. Hindi ako tanga. 

Maaaring minsan ay nagpapanggap na tanga upang mas maging tanga pa sakin ang iba.

May mga oras na kelangan natin tumahimik at manahimik hinggil sa mga paksa ng bukas, ng ngayon, at ng nakaraan. Oo nga at ang nakaraan ay mananatiling nakaraan ngunit may mga pagkakataong ito ay pilit na mangingibabaw sa ngayon dahil may mga tao mula sa nakaraan na hahamakin ang lahat para lamang makikisiksik sa iyong “Ngayon”. At ang nakakamangha ditto ay kanyang paniniwalain ang mundo na napaniwala ka niya pero ang totoo ay siya ang iyong pinaglaruan at tinanga.


Sabi nga ni Aristotle, ang tao ay natutong umarte sa pamamagitan ng obserbasyon. Duon, napagtanto ko na sa buhay natin na ito, ang tawag natin dito ay pagpapanggap. Walang taong hiyas, lahat tayo ay nagpapanggap lang, lahat tayo ay umaarte ng ayon sa dikta ng kalikasan.

Monday, January 5, 2009

Ang Sabi Niya

Dalawang magkaibigang nag-uusap.

Toni: Hindi ang tipo niya ang akala kong magugustuhan niya.
Perry: Paano mo naman nasabi?
Toni: Ang pangit kaya niya.
Perry: So, anong ibig mong sabihin?
Toni: Wala.

Toni: Sinungaling siya.
Perry: Bakit?
Toni: Niloko niya ko.

Toni: Ang sakin lang kung maghahanap siya ng bago yung naman higit sakin.
Perry: Sa palagay mo ba mas higit ka sa kanya?
Toni: Wala akong sinabing ganyan.
Perry: Anong gusto mong patunayan?
Toni: Wala.
Perry: Naging kayo ba?
Toni: (Umiling)
Perry: Mahal mo siya?
Toni: Ano ka ba? May syota ako.
Perry: Yun naman pala e, bakit ka nagkakaganyan?

Katahimikan.

Perry: Hindi komo't nakuha mo ang katawan niya, makukuha mo rin ang puso niya.
Toni: (Nakipagsukatan ng tingin)
Perry: May syota ka diba?
Toni: Oo at mahal niya ko.
Perry: Mahal mo siya?
Toni: Sino?
Perry: Nalilito ka na ngayon? (tawa)
Toni: Anong sinasabi mo ba?
Perry: Gumising ka nga Toni. Hindi kailan man mahihigitan ng kalibugan ang tunay na pagmamahal. Matuto ka kasing irespeto ang sarili mo, baka sakaling respetuhin ka rin niya. Nga pala, sa palagay mo ba sa ginagawa mo ngayon, mas higit ka pa rin sa kanya?

*WAKAS*