Sunday, August 31, 2008

Panakip Butas

Sinabi ko minsan sa isang kaibigan ang konsepto ko ng panakip butas. Ang sabi ko sakanya, lahat ng tao ay panakip butas lamang. Madalas nakakalimutan ng isang tao ang isang taong naging bahagi ng buhay niya ng dahil sa pagdating ng isang taong naiisip niyang maaaring pumalit sa posisyong binakante ng nakalipas. 

Ang lahat ng tao, aminin man natin at hindi ay panakip butas lamang. Panakip butas sa kakulangan ng buhay, pampatse sa isang butas ng nakaraan at ng kahapon, pangtagpi sa butas ng estadong kinasasaglakan sa ngayon. 

Ako, naging isang pankip butas. Isang taong panakip butas sa kakulangan ng buhay at panakip butas sa sugat na iniwan ng kahapon. Ikaw, naging panakip butas sa sakit at hapding dulot ng pag-iisa at ng emosyong hindi masuklian. Lahat tayo naging panakip butas, at lahat tayo ay mananatiling panakip butas.

Ang tanging pinagkaiba iba lamang natin ay ang taong gagamit sa atin upang ipangpatse, ipangtapal, at ipangtakip sa butas. Nakadepende sa taong iyon kung hanggang kailan ka niya ipangpapatse, ipangtatapal, at ipangtatakip sa butas. Nakadepende sa taong iyon kung papalitan ka niya at kung buo ang loob niyang ikaw na ang panghabangbuhay na magpupuno ng mga kakulangan niya. Pero kung anuman ang kahinatnan ng lahat, saan man tayo tumingin, ang lahat ng bagay sa mundo ay panakip butas lamang.

Pinapatsehan, tinatapalan, tinatakpan lamang natin ang bahagi ng ating mga pagkataong may kulang. At dito papasok ang katotohanang ang pag-ibig ay isang uri ng gamitan Ginagamit natin ang bawat isa upang punuan ang kalungkutan at kakulangan ng ating buhay. Gumagamit tayo ng mga panakip butas upang patuloy na mabuhay, upang patuloy na makadama, upang patuloy na maging maligaya.

5 comments:

  1. napaisip ako dun a... totoo, tama ka! may point to. haha

    ReplyDelete
  2. so isa ka na ring panakip butas ngayon Danvin? hehehe. ang aking makulit na seatmate kay Gapud. yahoo. =)

    ReplyDelete
  3. haha! oo tama tama! di lang naman ako.. sabi mo lahat tayo e! oo nga pala, seatmate!

    ReplyDelete
  4. ang lahat ng bagay sa mundo ay mababaw lamang, nakadepende ang sukat sa taong tumitingin at sumusukat. =)

    ReplyDelete