Wednesday, March 4, 2009

Maskara



Tahimik lang ako. Hindi ako tanga. 

Maaaring minsan ay nagpapanggap na tanga upang mas maging tanga pa sakin ang iba.

May mga oras na kelangan natin tumahimik at manahimik hinggil sa mga paksa ng bukas, ng ngayon, at ng nakaraan. Oo nga at ang nakaraan ay mananatiling nakaraan ngunit may mga pagkakataong ito ay pilit na mangingibabaw sa ngayon dahil may mga tao mula sa nakaraan na hahamakin ang lahat para lamang makikisiksik sa iyong “Ngayon”. At ang nakakamangha ditto ay kanyang paniniwalain ang mundo na napaniwala ka niya pero ang totoo ay siya ang iyong pinaglaruan at tinanga.


Sabi nga ni Aristotle, ang tao ay natutong umarte sa pamamagitan ng obserbasyon. Duon, napagtanto ko na sa buhay natin na ito, ang tawag natin dito ay pagpapanggap. Walang taong hiyas, lahat tayo ay nagpapanggap lang, lahat tayo ay umaarte ng ayon sa dikta ng kalikasan.

8 comments:

  1. pero ang katangahan ay katangahan. kahit si aristotle, plato, socrates, alexander the great, at willie revillame ay sasang-ayon dun. humihinga ang tao para sa sarili nila at hindi para sa iba. nagpapanggap ang tao para sa sarili nila at hindi para sa kapakanan ng iba. keme keme! :)

    ReplyDelete
  2. kahit saan nga nating aspeto tignan ay katangahan pa rin yun. wala naman kumukontra dun. :)

    ang katangahan ay katangahan. period. :)


    sang ayon din ako na lahat tayo ay nabubuhay para sa sarili nating kapakanan. alam natin na naniniwala ako na there is no such word as altruism. :)

    tapos na. :)

    ReplyDelete
  3. "there is no such word as altruism"

    woah.

    ReplyDelete
  4. ako. nagpapanggap na panget.
    totoo yun.

    ReplyDelete
  5. haaay. lahat naman ata may pagpapanggap. pero kung titingnan mo din, may mga pagkakataong ramdam mo ang sinseridad ng mga bagay-bagay. sa piling pagkakataon lamang nagaganap ang pagpapanggap.

    ReplyDelete
  6. oo, naniniwala ako dun para sa kaligayahan mo, sige, naniniwala na ako. :)

    ReplyDelete
  7. nagpapanggap lang tayo. ang lahat ay pagpapanggap lang. lahat tayo ay nagsusuot ng maskara para may maipakitang mukha sa ibang tao. lahat tayo ay nagpapanggap, maaaring may mga pagkakataong totoo tayo pero ang totoo, nagpapaggap pa rin tayo na totoo tayo. isa lang naman yan eh, sa pagsasabi ng totoo, meron at meron pa ring lihim tayong tinatago, at yun, tinatago natin, nililihim natin kasi ayaw nating may makahuli ng totoong tayo.... in that way, pagpapagnggap pa rin itong maituturing. :)

    ReplyDelete