Tuesday, August 5, 2008

Hide and Sick


May mga bagay na hindi mo naman itinatago
pero nananatili pa ring lihim.
May mga bagay na kahit anong sayang sabihin at ipagmalaki
ay kailangan mong itago.
May mga bagay kang hinahanap
pero hindi mo ito matatagpuan ng kusa.
May mga bagay naman na kahit hindi mo hanapin
ay kusang darating.
May mga bagay na hanggang tagu-taguan na lamang...
pero matatapos rin ang laro kapag muling nakialam ang tadhana.

2 comments:

  1. Maraming maaring bumalot sa atin para maging tahimik,walang kibo, walang pakialam. Naisip ko lang,. masaya ang buhay kolehiyo pero minsan, may kailangan ka ring harapin at may kailangan ka ring pagtaguan. Sa huli, maaring magsisi ka o ipagmalaki na may nagawa ka.

    ReplyDelete
  2. tama. pero kung anuman yun at knung anuman ang abutin... isang sangkap yun na hindi mo maalis sa pagkatao mo. inihuhulma ka nito para mas maging MAS sa kung ano ka ngayon.

    ReplyDelete